Ano ang dapat gawin ng isang law enforcer kung makumpiska ang isang motorsiklo??

Katanungan

Ano po ang dapat gawin ng isang law enforcer kung makumpiska ang isang motorsiklo?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa ating batas pantrapiko, kapag ang isang law enforcer ay nakakumpiska ng isang motorsiklo, ang unang dapat gawin ng naturing na law enforcer ay dalhin ang kumpiskadong motorsiklo sa pinakamalapit na impounding area.

Ang impounding area ay isang saradong lugar kung saan pansamantalang ipinaparada ang mga sasakyan at motorsiklo na mahuhuling lumabag sa batas.

Ilan sa mga dahilan kaya nakukumpiska ang isang motorsiklo ay dahil hindi ito rehistrado, walang lisensya ang nagmamaneho ng motor, peke ang plaka ng motor o hindi tugma sa naka-rehistro, may kausap sa telepono ang nagmamaneho, hindi nakaparada sa tamang lugar, o kaya naman ay sangkot sa aksidente o krimen.

Laging alalahanin na para sa ikabubuti ng lahat, ugaling makipag-cooperate at galangin ang law enforcer. Dahil lahat ng problema ay pwedeng idaan sa mabuting pakikipagusap.