Ano ang editoryal?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang editoryal?

Sagot verified answer sagot

Editoryal o pangulong tudling ang tawag sa isang bahagi ng pahayagan o diyaryo na nagpapakita ng opinyon ng isang editor o manunulat tungkol sa isang bagay o paksa. Kadalasan ito ay nakikita sa unang pahina ng mga pahayagan.

Maaari rin itong maglaman ng tinatawag na editorial cartoon, kung saan nakaguhit ang nilalaman ng editoryal. May tatlong bahagi ang isang editoryal.

Ang panimula ay kung saan makikita ang paksa. Narito lahat ang detalye upang maintindihan ng mambabasa ang pinag-uusapan.

Sa katawan ng editoryal naman makikita ang opinyon o kuro-kuro ng manunulat. Maaaring mahiyakat niya ang mambabasa rito. At sa pangwakas naman ay maaaring maglahad ng solusyon ang editor ukol sa isyu.