Ano ang ekwilibriyo?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ekwilibriyo?

Sagot verified answer sagot

Ang ekwilibriyo ay isang terminolohiya na ginagamit sa mga pamilihan na kung saan ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na pagpantayin ang bilang ng mga produktong nais niyang bilhin at sa mga produktong kaya niyang tangkilikin sa bilang ng dami ng kayang ibenta ng prodyuser ng mga produkto.

Ang ideyang ito ay kinapapalooban din ng ekwilibriyong presyo at dami na kung saan ang ekwilibriyong presyo ay tumutukoy sa presyong napagkasunduan ng konsyumer at prodyuser.

Samantala, ang ekwilibriyong dami naman ay ang dami ng bilang ng isang produkto na napagkasunduang ipagbili ng prodyuser o tindera at bilhin ng konsyumer o mamimili.