Katanungan
ano ang epekto ng mga likas na yaman sa ekonomiya ng bansa?
Sagot
Ang mga likas na yaman na matatagpuan sa bawat bansa ay ang mga nagsisilbing pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.
Ito ay magagamit sa paggawa ng mga produkto at maging na rin sa pagbibigay ng serbisyo. Kaya naman napakahalaga na ang isang bansa ay magkaroon ng sapat na likas na yaman, upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at magkaroon ng maayos na ekonomiya.
Kung walang likas na yaman na pagkukunan ang isang bansa o maging kulang ito ay siguradong babagsak ang ekonomiya ng bansa.
Sapagkat walang produkto o serbisyo ang magagawa o matatapos. Maghihirap ang mga mamamayan. Bukod sa wala silang kikitain ay mahihirapan rin sila sa makukuhanan ng pagkain, damit, o iba pang mga bagay.