Katanungan
ano ang etika ng akademikong sulatin?
Sagot
Ang akademikong sulatin ay ang klase ng sulatin na nagbibigay ng impormasyong mahahalaga. Sa pagsulat ng ganitong uri ng sulatin, ang iba’t ibang etika ay nararapat na pahalagahan tulad ng copyright na kung saan ang may akda ng isang sipi ay nararapat na mabigyan ng halaga alinsunod na rin sa Batas Republika Blg. 8293 na pumuprotekta sa mga akda upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan.
Ang plagiarism ay nararapat ding bigyang pansin upang matiyak na ang sinulat na akda ay sariling gawa sapagkat ang anumang paggamit ng akda ng iba ng walang maayos na paggamit ay mayroong karampatang kaparusahan kung mapatutunayan.