Ano ang Habitat?

Katanungan

ano ang kahulugan ng habitat?

Sagot verified answer sagot

Sa agham, ginagamit ang terminong habitat para tukuyin ang natural at ekolohikal na tirahan ng isang partikular na organismo, mapa-tao, hayop, o halaman man ito.

Ibig sabihin ay dito na lumaki ang nasabing organismo at dito na rin naging isang komunidad o pamayanan ang mga organismong ito.

Sa isang habitat na nabubuhay nang matiwasay ang mga organismo. Kung saan ang kanilang habitat ay doon na rin sila kumukuha ng pagkain, nagkakaroon ng proteksyon, at nagpaparami.

Halimbawa nalang ng habitat ay ang mga isda ay kadalasan makikita sa mga karagatan, depende na lamang sa uri nito. Ang karagatan ang kanilang natural na tirahan.