Ano ang hanapbuhay sa India sa klimang monsoon?

Katanungan

ano ang hanapbuhay sa india sa klimang monsoon?

Sagot verified answer sagot

Isa ang India sa mga bansang apektado ng tinatawag natin bilang klimang monsoon. Ang monsoon ang tawag sa hangin na nag-iiba ang direksyon at kadalasan ay nagdadala ng malalakas na ulan sa isang estado.

Kaya naman ang klimang monsoon ay klima kung saan nakararanas ng matinding tag-init at matinding tag-ulan ang isang bansa, gaya na lamang ng India.

Bilang ang kanilang klima ay klimang monsoon, inaangkop ng mga mamamayan ang kanilang kabuhayan ayon sa klima.

Kaya naman ang pangunahing hanapbuhay sa nasabing bansa ay pangingisda at pagtatanim.

Umaasa sila sa tubig ulan upang tulungan ang kanilang mga ani, at tuwing tag-init naman ay pumapalaot sila.