Ano ang heograpikal na varayti ng wika?

Katanungan

Maaari po bang malaman ang kahulugan at halimbawa ng heograpikal na varayti ng wika? Maraming salamat po.

Sagot verified answer sagot

Heograpikal na varayti ng wika ang tawag sa pagkakaroon ng sari-saring uri o klase ng iba’t-ibang wika ng ating bansang Pilipinas.

Sa ating bansa kasi ay maraming lengguwaheng ginagamit sa magkabilang panig. Nahahati ang ating bansa hindi lamang sa anyong lupa at anyong tubig, kung hindi na rin sa pamamaraan ng pagsasalita na siyang kinikilala natin bilang heograpikal na varayti ng wika.

Halimbawa nalang ang lengguwaheng Tagalog, kung saan ang Tagalog sa ating kabisera na Maynila ay may pagkakaiba sa Tagalog sa Timog Katagalugan o mga probinsya tulad ng Batangas at Rizal. Bagama’t may pagkakaiba ay nakakaintindihan pa rin naman.