Ano ang ibig sabihin ng asimilasyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng asimilasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang asimilasyon ay ang pagbabagong nagaganap sa anyo ng morpema o ang yunit ng salita na itinuturing na pinakamaliit.

Ang pagbabagong ito ay nagaganap dahil sa iba’t ibang bagay na nakaiimpluwensiya rito. Isa sa madalas na pagbabago ng anyo ay nagaganap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga panlapi.

Halimbawa ng mga panlaping ito ang nagtatapos sa –ng kagaya na lamang ng –sing na kung minsan ito rin ay ginagamit bilang sim- o di naman kaya ay sin-.

Kabilang din sa mga panlaping ito ang pang- na kung minsan ay ginagamit bilang pam- o di naman kaya ay pan-. Ang paggamit nito ay nakabatay sa katinig na sinusundan.