Ano ang ibig sabihin ng bandala?

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng bandala?

Sagot verified answer sagot

Ang bandala ay ang pagbebentang sapilitan ng mga produkto o ani ng mga indibidwal sa pamahalaan. Ito ay kilala rin sa tawag na compras reales.

Ang sistemang bandala ay ang isang uri ng pagbubuwis na hindi tuwiran na kung saan ang bawat lalawigan ay binibigyan ng takdang bilang ng dami ng produkto o ani ng mga mamamayan upang ipagbili sa pamahalaan.

Subalit, ang mga produktong ipinagbibili sa pamahalaan ay hindi makatarungan ang presyo sapagkat mas mababa ang presyo ng mga ito kaysa sa itinakda ng pamilihan. Ngunit, ang mga magsasaka ay madalas na hindi pa nakatatanggap ng kaukulang bayad.