Ano ang ibig sabihin ng cherry blossom sa Japan?

Katanungan Sagot

5

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng cherry blossom sa japan?

Sagot verified answer sagot

Ang ibig sabihin ng cherry blossom sa bansang Japan ay pag-usbong. Ang cherry blossom o mas kilala bilang sakura ay mga bulaklak ng isang puno na tinatawag na Cherry Trees na kung ilalarawan ay isang maliit na bulaklak na kulay-rosas.

Ang pamumulaklak ng punong ito ay higit na inaabangan sa bansang Hapon sapagkat ito ay tumatagal lamang ng dalawang lingo.

Pagkatapos ng mga panahong ito, ang mga bulaklak ay unti-unti ng nalalagas at nahuhulog sa lupa. Ang bulaklak na ito ay simbolo ng buhay o pag-usbong sapagkat ipinakikita nito ang pagsibol ng pag-asa. Sa kasalukuyan, ang sakura ay maaari ring matagpuan sa mga bansang South Korea, India, at China.