Ano ang ibig sabihin ng cumplase (kahulugan)?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng cumplase (kahulugan)?

Sagot verified answer sagot

Ang cumplase ay termino na nakilala noong panahon ng pananakop ng mga dayuhang Kastila sa bansang Pilipinas. Ito ay nangangahulugan na kapangyarihan o di naman kaya ay kakayahan na mayroon ang isang gobernador-heneral.

Ang kapangyarihang ito ay maaaring hindi agarang maipatupad ng direkta ang isang batas o derekto na inutos ng bansang Espanya. Sa wikang ingles, ang cumplase ay tinatawag na permit.

Maihahalintulad ang cumplase sa kasalukuyang panahon sa isang kapangyarihan ng pangulo na tinatawag na veto. Ang veto na ito ay may kakayahang pigilan na maipatupad ang batas na nais isagawa ng mga senador at ng mga kongresista.