Katanungan
ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo?
Sagot
Ang kolonyalismo ay ang pananakop na tuwiran ng isang makapangyarihang bansa sa iba pang mga bansa upang mapagsamantalahan o magamit ang mga yamang taglay nito sa pansariling pagkonsumo ng mga mananakop.
Ang kolonyalismo o ang pananakop ay isinasagawa ng mga bansa hindi lamang upang mapalawak ang kanilang mga lupain, mapalawak ang nasasakupan, kundi higit upang mapagsamantalahan ng mananakop ang mga likas na yaman ng nasakop na bansa.
Ang pananakop na ito ay maaaring makapagpabago sa mga sistemang umiiral sa bansa upang sa gayon ay mas madaling makontrol ang mga tao. Ilan sa mga naging epekto ng kolonyalismo ang reduccion,tribute, at encomienda.