Ano ang ibig sabihin ng monopolyo sa tabako?

Katanungan Sagot

5

Katanungan

ano ang ibig sabihin ng monopolyo sa tabako?

Sagot verified answer sagot

Monopolyo ang tawag sa isang uri ng pamilihan kung saan ang mga produkto at serbisyo ay nanggagaling lamang sa iisang kumpanya o produser.

Noong kapanahunan ay may tinatawag na monopolyo ng tabako sa ating bansang Pilipinas. Ito ay ipinatupad ni Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas noong nasasakop pa ng mga Espanyol ang bansa.

Sa ilalim ng monopolyo ng tabako ay kontrolado ng pamahalaan ng Espanya ang pagkakaroon ng tabako sa bansa. Sinisiguro nito na ang kita mula sa industriya ng tabako ay mapupunta lamang sa Espanya.

Walang ibang kumpanya ang maaaring magpasok ng tabako sa bansa o walang iba ang maaaring mangalakal ng tabako. Ang sinumang mahuhuli ay haharap sa parusang ipapataw ng Espanya.