Ano ang ibig sabihin ng RSVP sa EPP?

Katanungan

Ano ang kahulugan ng RSVP sa EPP?

Sagot verified answer sagot

Mula sa pariralang Pranses o French na “Répondez s’il vous plaît,” ang akronim na R.S.V.P. Sa wikang Ingles, ang salin nito ay nangangahulugang please answer.

Sa wikang Filipino, kapag nakita ang R.S.V.P, ibig sabihin nito ay humihingi ng tugon ang nagpadala ng imbitasyon.

Karaniwang makikita ang akronim na R.S.V.P. sa mga imibitasyon para sa mga okasyon tulad ng kasal, binya, at kaarawan.

Ginagamit ito upang makasiguro ang mga nang-iimbita sa bilang o dami nang dadalo sa kanilang okasyon. Ang R.S.V.P ay nagpapakita kung makakapunta ba o hindi ang isang bisita.

Ito rin ay upang maging maayos ang programa sa araw na iyon at makapaghanda ng sakto ang mga nang-imbita.