Ano ang ibig sabihin ng salitang guryon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang ibig sabihin ng salitang guryon?

Sagot verified answer sagot

Saranggola ang ibig sabihin ng salitang guryon. Ang saranggola o guryon ay isang klase ng laruan na yari sa mga patpat na manipis na nagsisilbing balangkas nito na sasapinan naman ng papel o kaya ay tela at lalagyan ng sinulid bilang panaling hahawakan ng taong magpapalipad nito.

Ang ibang katawagan pa rito ay burador. Ang saranggola ay mayroong iba’t ibang klase o uri. Ito ay ang mga sumusunod: boka-boka, sapi-sapi, de-kahon, bandera, portagis, de-baso, papagayo, at guryon.

Ang guryon na siyang pokus ng usaping ito ay ang klase ng saranggola na Malaki. Kalimitan mga bata ang makikitang naglalaro ng mga ito.