Katanungan
ano ang ibig sabihin ng tekstong persweysib?
Sagot
Ang tekstong persweysiv ay isang tekstong nanghihikayat o nangungumbinse.
Ang tekstong ito ay tinatawag ding tekstong nanghihikayat na kung saan ang layunin nito ay mailahad ang isang opinyon o ideya na dapat panindigan at ipagtanggol ng manunulat sa pamamagitan ng matibay na ebidensiya sa tulong ng iba’t ibang datos upang higit na mahikayat o makumbinsi ang mga mambabasa.
Ang pamamaraan ng pagsusulat ng ganitong uri ng teksto ay dapat na nakatindig sa punto ng manunulat na kung saan ang tindig na ito ang higit na makakukumbinsi sa mga mambabasa. Ang lawak ng kaalaman hinggil sa isang paksa ay higit ding nakatutulong.