Katanungan
ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
Sagot
Isa sa mga uri ng panitikan ang dula. Ang kinaibahan nito sa ibang mga genre pa ng panitikan ay hindi lamang ito isinusulat o ibinabasa, kung hindi ito ay itinatanghal rin.
Layunin ng mga manunulat ng dula na maitanghal ang kanilang mga sinulat na obra. Ang pagtatanghal na ito ay tinatawag bilang isang dulaan.
Marami ng mga sikat na dula ang naitanghal na sa maraming mga teatro at iba pang lugar. Ang pinakasikat na mandudula ay si William Shakespeare, na siyang sumulat sa mga dula tulad ng Romeo and Juliet at Macbeth. Sa Pilipinas naman ay sikat ang dula na pinamagatang Sugat ng Puso.