Ano ang iskemang subcontracting?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang iskemang subcontracting?

Sagot verified answer sagot

Iskemang subcontracting ang tawag sa paraan ng isang kompanya o contractor ay nangangalap ng karagdagang tao mula sa ibang kompanya, ahensiya, o contractor. Ang karagdagang tauhan ay tinatawag na mga subcontractors kaya naman ang proseso ay tinaguriang iskemang subcontracting.

Ang iskemang subcontracting ay ginagawa upang mas mapabilis ang pagtapos sa isang proyekto. Marahil ay may kakulangan sa tao ang pangunahing contractor tulad ng nabanggit. O di kaya naman ay maaari ring may kakulangan sa badyet o kaya naman ay sa ekspertong kaalaman ang naturang contractor.

May dalawang uri ng iskemang subcontracting. Ang una ay tinatawag na labor-only contracting kung saan kulang ang badyet. Ang ikalawa naman ay ang job contracting kung saan kapos naman sa trabahador ang kompanya.