Katanungan
Ano po ang pangunahing wika ng mass media?
Sagot
Mass media ang tawag sa paraan ng komunikasyon kung saan sakop nito ang masa at naaabot ang lahat ng impormasyon, balita, at iba pa saan mang sulok ng bansa.
Sa ating bansang Pilipinas, ang pangunahing wika na ginagamit sa ating mass media ay ang ating nasyonal na lengguwahe, ang wikang Filipino.
Sakop ng mass media ang telebisyon, radyo, pahayagan, at iba pa. Karaniwang maririnig ang mga mang-ullat o mababasa ang mga sulatin sa wikang Filipino.
Ito ay sa kadahilanan na maraming mga Filipino ang mas nakakaintindi ng wikang ito dahil ito ang ating wikang pambansa at isa sa ating mga opisyal na lengguwahe sa bansa.