Ano ang iyong kaisipan at damdamin ukol sa mga isyung may paglabag sa paggalang sa buhay?

Katanungan

ano ang iyong kaisipan at damdamin ukol sa mga isyung may paglabag sa paggalang sa buhay?

Sagot verified answer sagot

Ang aking kaisipan at damdamin ukol sa mga isyung may paglabag sa paggalang sa buhay ay ito ay hindi makatarungang aksyon na isinasagawa ng isang tao o organisasyon na nakapagdudulot ng hindi mabuting epekto sa biktima, pamilya, at kaanak nito.

Ang buhay ng isang tao ay maituturing na napakahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing tulay upang makamtan ang nais ng tao.

Ito ay maigting na pinangangalagaan ng batas ng tao at batas ng Diyos dahil ang buhay ay hindi basta basta dapat tapusin.

Kung kaya naman, ang paglabag sa paggalang sa buhay ng isang tao ay isang malalaking pananagutan sa batas ng tao at ng Diyos. Ang sinumang susuway dito ay makatatanggap ng kaukulang parusa.