Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand?

Katanungan

Ano po ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang “demand”?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkakaunawa ko sa salitang demand ay tinutukoy nito ang dami o bilang o kakayahan ng isang tao na makapamili o kumuha ng isang produkto o serbisyo sa merkado.

Maaaring ito ay isang pangangailangan ng indibidwal o hindi kaya naman ay simpleng kagustuhan lamang. Ang pagkakaroon ng demand ang siyang nagiging batayan sa proseso ng paggawa ng mga kalakal.

Kung mas maraming demand para sa isang bagay ay maaaring dumami rin ang suplay nito. Ngunit kung kakaunti lamang ang demand ay mananatiling kakaramput lamang ang bilang nito sa merkado.

Sa larangan ng ekonomiks, napakahalang konsepto ng demand bagama’t nakakaapekto ito sa ekonomiya ng isang bansa.