Katanungan
ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag unlad bilang tao?
Sagot
Ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag unlad bilang tao ay nakatutulong ito sa akin sa paggawa ng tamang aksyon na naaangkop sa kabutihang panlahat.
Ang pagpapaunlad ng sarili ay hindi lamang makikita o mababata sa pisikal na paghubog ng katawan nito subalit higit na kapaki-pakinabang ang paraan ng pag-iisip ng tao na kung saan nakatutulong ang mga batayang konsepto upang masuri ng isang inidibidwal ang mga aksyon o gawi bago ito isagawa.
Ang mga konseptong ito ang humuhubog sa akin at sa bawat indibidwal sa kung paano ko mapauunlad ang aking sarili sa pamamagitan ng pagpapalalim ng aking pang-unawa at pagkilos ng naaayon sa ikabubuti ng lahat.