Katanungan
ano ang kabuluhan ng pag aaral sa mga akdang pampanitikan ng kanluran?
Sagot
Ang kabuluhan ng pag aaral sa mga akdang pampanitikan ng kanluran ay upang mapalawak ang kaalaman at maging mahusay sa pagsusulat ng mga akdang pampanitikan na hindi lamang nalilimitahan sa isang bansa.
Ang mga akdang pampanitikan ng kanluran ay ang mga akdang naisulat ng mga manunulat mula sa Europa, Gresya, America, Espanya at iba pang mga kaugnay o kalapit na bansa nito.
Kung kaya upang magkaroon ng malawak na kaalaman ang mga mag-aaral gayundin ang iba pang indibidwal, mahalaga na mapag-aralan ang mga ito.
Nakatutulong din ang mga ideyang nagmumula rito upang higit na mapaghusay ng isang indibidwal ang istilo ng kanyang pagsulat.