Katanungan
Ano ang kahalagahan ng bulkan?
Sagot
Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa kung saan ito ay mukhang bundok, ngunit ang ipinagkaiba ay may butas ito.
Sa butas ng isang bulkan lumalabas o ibinubuga nito ang mainit na apoy at volcanic gasses na nagmumula pa sa balat ng ilalim ng lupa.
Bagama’t nagdudulot ng kalamidad tuwing puputok ang isang bulkan, mahalaga pa rin ito dahil ang ibinubuga nitong lava ay nagdadala ng mahahalagang nutrisyon na siyang nagiging pataba sa mga lupa.
Ang mga halaman ay siguradong lalago sa mga lupang ito. Isa pa, nakaka-engganyo rin para sa turismo ng isang bansa o lugar ang pagkakaroon ng bulkan.