Katanungan
ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?
Sagot
Ang krusada ay mahalaga sa kasaysayan ng daigdig sapagkat isa ito sa mga naging madudugong digmaan hinggil sa pagbawi ng mga katoliko sa lupaing nasakop ng mga Muslim.
Ang krusada o mga krusada ay mga militar na digmaan na sunod-sunod na naganap taong 1096 hanggang 1273. Ang karamihan sa mga tunggaliang ito ay pinangunahan ng mga Europeong Kristiyano.
Ang naging pangunahing layon ng paglaganap ng krusada ay upang mabawi ang lupain na banal ng mga kristiyano na napasailalim sa kamay ng mga Muslim. Ayon sa kasaysayan, ang unang naganap na krusada ay sa pangunguna ng mga Norman at Pranses na maharlika.