Ano ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan?

Katanungan

ano ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan?

Sagot verified answer sagot

Nasa pambansang pamahalaan ang mga taga-pamahala na ngangasiwa at naggagabay sa kabuuang kalagayan ng ating bansang Pilipinas.

Ito ay mula sa presidente, bise presidente, mga senador, miyembro ng gabinete, miyembro ng pambansang hukuman, at marami pang iba.

Katuwang nila ang mga taga-pamahala mula sa mga lokal na pamahalaan. Ang layunin at tungkulin ng mga nasa pambansang pamahalaan ay ang mga sumusunod: una ay ang pangangasiwa sa tatlong sangay na lehislatibo, hukuman, at ehekutibo.

Sa ilalim ng pamahalaan sumusunod ang sandatahang lakas ng Pilipinas. Ang pamahalaan rin ang nagpapatupad ng mga alituntunin at batas para sa buong bansa. Sila rin ang may kakayahan na magbigay hustisya.