Ano ang kahulugan ng bukas palad?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang kahulugan ng bukas palad?

Sagot verified answer sagot

Ang pagiging bukas palad ay pagiging matulungin at mapagbigay sa kaniyang kapwa tao. Ang isang bukas palad na tao ay sinusunod ang salita ng Diyos dahil ito ang pangunahing utos na maging mabait sa kapwa tao at magbigay sa iba kung may sobra sa mga materyal na bagay.

Pero kahit wala masyadong ari-arian ang tao ay maaari pa rin itong magbigay basta bukal sa loob, at hindi lamang para magpasikat at may ibang intensyon pa na upang magkaroon ng utang na loob ang iba sa kaniya.

Ang pagiging bukas palad ay isang biyaya na malaking tulong sa kapwa at maaaring gayahin din ng iba upang magkaroon ng kapayapaan sa bayan.