Ano ang Kahulugan ng Desertification?

Katanungan

Ano ang Kahulugan ng Desertification?

Sagot verified answer sagot

Desertification ang tawag sa pagkasira ng isang matabang lupain kung saan unti-unti na itong natutuyo at nawawalan ng sustansya.

Ibig sabihin ang dating lupain na malago at maraming mga puno, damo, at iba pa ay nagiging parang disyerto na ang anyo.

Wala nang kahit anong organismo, o limitadong organismo na lamang, ang kayang mabuhay sa isang lupain na sumasailalim sa desertification.

Nangyayari ang desertification dahil sa pagbabago ng temperatura sa isang lugar, kung saan maaaring sumosobra na ang init na nararanasan.

Lalo na rin kapag hindi masyadong umuulan sa lugar na iyon. Maaaring kagagawan rin ng tao, na hindi maayos ang pangangasiwa sa lupain, kaya nangyayari ang desertification.

Mga Halimbawa ng Dahilan kung bakit Nagkakaroon ng Desertification

Pagka-ubos ng Kagubatan: Kapag pinutol ang mga puno at wala nang mga halaman, nawawalan ng proteksyon ang lupa laban sa erosyon. Nawawala din ang mga ugat na nagtatali sa lupa, kaya mas madaling mawala ang lupa.

Sobrang Pagpapastol: Kapag masyadong maraming hayop na pinapastol sa isang lugar, nawawawasan ang damo at iba pang halaman. Mas madaling mawala ang lupa dahil walang halaman na nagpapahawak dito.

Pag-usbong ng Industriya: Ang konstruksyon at iba pang industriyal na aktibidad ay maaaring magpabawas sa lupa ng kanyang kakayahan na suportahan ang buhay halaman.

Paggamit ng Tubig: Kung masyadong maraming tubig ang ginagamit sa isang lugar, maaaring mawalan ng sapat na tubig ang lupa para suportahan ang halaman, lalo na sa mga lugar na may limitadong supply ng tubig.