Ano ang kahulugan ng emosyon at ang mga uri nito?

Katanungan

ano ang kahulugan ng emosyon at ang mga uri nito?

Sagot verified answer sagot

Emosyon ang tawag sa nararamdaman ng isang tao o ang damdamin nito. Ang bawat tao ay nakakaranas ng iba’t-ibang emosyon, tulad ng tuwa, lungkot, at marami pang iba.

May apat na uri ng emosyon. Una sa lahat, ang emosyong pandama ay ang uri na siyang pisikal na nakikita sa isang tao. Halimbawa nito ay ang pag-ngiti kapag masaya.

Ang ikalawang uri ng emosyon ay tinatawag na kalagayan ng pandamdamin. Ito ay tumutukoy sa kasalukuyang nararamdaman ng isang indibidwal.

Ikatlo naman ang siksikong pandadamin. Ang pandadamin na ito ay naiimpluwensiyahan ng nasa paligid ng isang tao. At ika-apat, ang ispirituwal na emosyon na naglalarawan sa kabanalang damdamin ng isang tao.