Ano ang kahulugan ng Homo Habilis?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kahulugan ng Homo Habilis? 😮

Sagot verified answer sagot

Ano ang kahulugan ng Homo HabilisAng homo habilis ay isa sa mga yugto ng buhay ng tao o isa sa mga species ng tao na pinagdaanan upang makompleto ang sinasabing ebolusyon.

Ang homo habilis ay dalawang salitang nangangahulugan na “able man” o “handy man.” Nakuha nila ang pangalan o katagang ito dahil sila ang sinasabing unang species ng hominid na nakatuklas at natutuhan ang paggamit ng mga kagamitang yari sa bato.

Lumilikha na sila ng iba’t ibang gamit sa mga bato bilang kagamitan sa araw-araw. Ayon sa mga nakatuklas sa hominid species na ito, ang mga homo habilis daw ay mas mukha nang tao kaysa sa mga nauna sa kanilang species.