Katanungan
ano ang kahulugan ng humanismo?
Sagot
Ang humanismo ay isang etikal na katayuan hinggil sa pilosopiya. Ang humanismo ay nagpapatibay sa mga batayang karapatan ng mga tao at responsibilidad sa kaniyang sarili, ito ay pumoprotekta sa kaniyang sarili upang hindi rin mayurakan ang kaniyang karapatan sa komunidad.
Sa panitikan naman, ang humanismo ay nagsasabing may kakayahan magpasya ang isang tao para sa kaniyang sarili.
Mahalag ang humanismo dahil ito ay naging batayan para sa demokratikong espasyo na natatamasa ng mamamayan ngayon.
Bukod pa rito, naging pundasyon din ito sa mga karapatang pantao at pagiging makatao. Ang humanismo ay naglalayong maging demokratiko ang mga lipunan at protektahan ang mga karapatan ng bawat isa.