Ano ang kahulugan ng kariktan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang kahulugan ng kariktan?

Sagot verified answer sagot

Nagmula sa salitang marikit ang salitang kariktan. Ang kariktan ay isang salitang ginagamit upang maglarawan ng isang tao, bagay, lugar, at hayop na nakikitaan ng kagandahan o kamanghaan.

Kung ikaw ay nahahalina o humahanga sa isang tao, maaari mo siyang ilarawan bilang kariktan. Kung ikaw naman ay naglakbay patungo sa isang lugar at talaga namang napakaganda nito, maaari mo ulit gamitin ang kariktan bilang salitang maglalarawan rito.

Ngunit sa isang pangungusap o sa pang araw-araw na pakikipag-usap ay mas maririnig o mababasa natin ang salitang marikit kaysa sa kariktan. Pareho lang naman ang kahulugan ng dalawa at maaari mong gamitin ang kahit na alin sa dalawa.