Ano ang Kahulugan ng Life Expectancy?

Katanungan

ano po ba ang ibig sabihin ng life expectancy??

Sagot verified answer sagot

Life expectancy ang terminong ginagamit sa estatiskong pamamaraan kung saan sinusukat ang pangkaraniwang haba ng oras na nabubuhay ang isang tao.

Nakabatay ito sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyang kasalukuyang edad, sa demograpikong kanyang kinabibilangan, at maging ang kanyang kasarian.

Tinatayang ang pangkaraniwang life expectancy ngayon ay 68 na taon para sa mga lalaki at 72 na taon naman para sa mga kababaihan.

Mas mahaba na ang life expectancy ngayon kumpara noong sinaunang panahon, dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya, medisina, at iba pa.

Mas mahaba rin ang life expectancy sa mga kababaihan dahil na rin sa bisyo at pag-uugali ng mga kalalakihan.