Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasya?

Katanungan

ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasya?

Sagot verified answer sagot

Ang kahulugan ng mabuting pagpapasya ay ang paggawa ng desisyon na isinasaalang-alang ang mabuting dulot nito para sa lahat.

Ito rin ay bunga ng malalim, malikhain, at kritikal nap ag-iisip ng isang tao patungkol sa mga bagay na nararapat na makahantong sa paggawa ng ikabubuti at tama para sa lahat.

Ang pagsasagawa ng mabuting pasya ay nakapagdudulot ng maayos at mabuting pagpapasiya sa buhay ng tao, nakapagtuturo ng tama at maayos na landas upang tahakin ang buhay; nakatutulong sa paggawa ng mabuti para sa sarili at sa kapwa; nakatutulong upang maiwasan ang problema o suliranin; at nakatutulong sa pagkamit ng kasiyahan.