Katanungan
ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo?
Sagot
Kapag sinabing makataong kilos, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang ating paggalaw para sa kabutihan ng lahat.
Ibig sabihin, ang ating mga kilos (at maging na rin ang ating salita) ay dapat nating pag-isipang mabuti bago bitawan o gawin.
Dahil ang ating pagkilos at pananalita ay may mga kahihinatnan. Minsan hindi natin alam na tayo ay nakakasakit na pala ng damdamin ng iba.
Upang maiwasan ito, kailangan nating kumilos ng makatao. Maging ang ating mga desisyon na gagawin sa buhay, ating isiping mabuti kung ito ba ay para sa ikakaunlad ng lahat at walang mapapahamak na tao rito.