Katanungan
Maaari po bang malaman ang kahulugan ng pagkonsumo? Maraming salamat po sa tulong.
Sagot
Sa larangan ng ekonomiks, isang konseptong pinag-aaralan ay ang konsumpsyon o pagkonsumo.
Ang ibig sabihin nito ay ang paggamit o paggastos ng pera, produkto, o serbisyo para mapunuan ang pangangailangan ng isang indibidwal o ng isang pamayanan.
Lahat ng tao sa buong mundo ay nagkokonsumo, mula pa pagkasilang pa lamang. Bawat ginagamit natin, binili man o libre lamang nakuha, ay uri na ng pagkokonsumo.
Isa sa mga pangunahing konsumpsyon ng isang tao ay pagkain. Ito ang pinakamalaking sektor na nagkokonsumo ang tao, dahil kailangan nating ng pagkain upang mabuhay.
Kahit hindi pangangailangan at simpleng pagnanais lamang para sa isang bagay ay konsumpsyon rin ito.