Katanungan
Ano ang Kahulugan ng Pangaral?
Sagot
Pangaral, mula sa salitang ugat na aral, ay pagbibigay aral o pagtuturo sa isang tao ng wastong asal o pag-uugali.
Kalimitan ay ginagamit ito kapag ang isang tao ay nagkamali at gustong i-wasto ang kanyang naging aksyon.
Ang kadalasang nagbibigay ng pangaral ay ang mga nakakatanda bagama’t sila na ang may karanasan sa buhay at mas alam nila ang nakakabuti sa nakakasama.
Ang mga magulang natin ay lagi tayong pinapangaralan upang hindi tayo makagawa ng masama. Ang pagpapangaral ay pagbibigay gabay at hindi dapat natin itong kamuhian.
Hindi dahil pinapangaralan tayo ay ibig sabihin nagagalit na ang nagbibigay ng pangaral.