Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ito?

Katanungan

Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ito?

Sagot verified answer sagot

Ang trabaho at hanapbuhay, bagamat may pagkakatulad, ay di hamak na may pinagkaiba. Isang halimbawa ng trabaho ay ang pagiging empleyado sa opisina, samantalang ang hanapbuhay ay ang pagiging may-ari ng isang negosyo.

Una sa lahat, ang trabaho ay tumutukoy sa kahit anong gawain, tungkulin, posisyon, o mapapasukan na kung saan kadalasan ay may isang employer na namumuno sa mga trabahador.

Sa kabilang banda naman, ang hanapbuhay ay sumasaad sa kahit anong pinagkakakitaan ng salapi ng isang tao. Mapa-negosyo o isang industriya na kanyang kinabibilangan kung saan siya mismo ang tagapangasiwa. Ang kita sa hanapbuhay ay maaaring tumaas o bumaba.