Ano ang kailangang malaman ng mga gumagamit ng wika sa pakikipagkapwa?

Katanungan

Ano po ang mga bagay na kailangan malaman ng mga gumagamit ng wika kapag nakikipag-ugnayan sa kapwa? Thank you po.

Sagot verified answer sagot

Sa ating komunikasyon, tayo ay gumagamit ng wika. Ang wika rin ang siyang nagiging tulay upang tayo ay magkaroon ng koneksyon sa ating kapwa o pakikipagkapwa.

Kailangan malaman ng mga gumagamit ng wika–ibig sabihin ay lahat ng tao sa mundo–na kung nais natin makipagkapwa, ay gamitin natin ang tamang wika at tamang mga salita.

Maraming wika sa iba’t-ibang mundo kaya naman mas mainam kung alam natin ang tamang wikang gagamitin para hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Gayun rin sa paggamit ng tamang mga salita.

Ito ay para maisawan natin ang pag-usbong ng mga away at hidwaan sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.