Ano ang Kakalasan?

Katanungan

Ano ang kahulugan ng kakalasan?

Sagot verified answer sagot

Elemento ng isang maikling kwento ang kakalasan. Kakalasan ang parte ng isang maikling kwento kung saan ang naratibo ay malapit nang matapos dahil dito na ipinapakita ang pagsasa-ayos ng mga problema at suliranin na kinakaharap ng mga pangunahing tauhan sa kwento.

Ang kakalasan ay kadalasan kaakibat ng wakas ng isang maikling kwento. Matatagpuan ito sa dulo na ng kwento bago magbigay ng konklusyon o katapusan ang may akda.

Minsan ay dito rin makikita ang mapupulot na aral sa isang maikling kwento. Ngunit ating tatandaan na hindi lahat ng maikling kwento ay may kakalasan. Minsan ay diretso katapusan na ang isinusulat ng mga may akda.