Ano ang kakayahang lingguwistiko?

Katanungan

ano ang kakayahang lingguwistiko?

Sagot verified answer sagot

Ang kakayahang lingguwistiko ay isang uri ng kakayahan o abilidad ng isang indibidwal na makaunawa o makaintindi at makabuo ng may kabuluhang mga salita o pangungusap.

Ito ay nagtataglay ng kaukulang kaalaman na may kinalaman sa gramatika ang ang mahusay na paggamit ng mga salita. Ang kakayahang ito ang siyang nagbibigay kapasidad sa isang indibidwal na matalinong magamit at maunawaan ang wika.

Kabilang sa kagalingang ito ang pagbigkas, pagsulat, at maging pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa. Ang kakayahang ito ay maaaring matutunan sa pamamagitan ng linggwistika o ang pag-aaral na pang-agham sa wika maging ang kontekstong nakapaloob sa wika.