Ano ang kapital ng Malaysia?

Katanungan

Ano ang kapital ng Malaysia?

Sagot verified answer sagot

Ang bansang Malaysia ay matatagpuan sa Timong Silangang bahagi ng kontinenteng Asya. Karatig bansa lamang ito ng ating bansang Pilipinas.

Ang kabisera o kapital na siyudad ng Malaysia ay walang iba kung hindi ang Kuala Lumpur. Ito rin ang pinakamalaking lungsod sa buong bansa.

Isa sa mga sikat na lungsod pasyalan sa Timog Silangang Asya ang Kuala Lumpur. Maraming makikita at mabibisita rito.

Para sa mga mahilig mamili, nanjan ang Bukit Bintang District. Sa siyudad rin na ito makikita ang iniwang marka ng kolonyal na pamamahala ng mga British sa Malaysia, tulad ng estasyon ng tren.

Sa Kuala Lumpur rin matatagpuan ang pinakamataas na twin scrappers sa buong mundo, ang Petronas Twin Towers.