Katanungan
ano ang kasalukuyang kalagayan ng paggawa sa ating bansa?
Sagot
Ang kasalukuyang lagay ng paggawa sa bansa ay ang mga namumuno ay nagpapatupad ng proteksyon sa mga manggagawa, makapagbigay ng oportunidad o pagkakataon sa larangan ng paggawa, nagpapatupad ng pantay na pagtingin sa manggagawa, at bigyan ng limitasyon ang relasyong umiiral sa pagitan ng manggagawa at maypagawa.
Ang bawat bansa ay may kakayahang magpatupad ng batas na siyang mangangalaga sa manggagawa. Ang mga batas na ito ang magtatalaga ng kalagayan ng paggawa sapagkat dito makikita kung paano mapangangalagaan ng estado ang mga manggagawa.
Ang kasalukuyang lagay ng paggawa sa bansa ay kapaki-pakinabang sapagkat napangangalagaan nito ang mga karapatan ng mga manggagawa na nasa bansa.