Ano ang katangian ni romeo?

Katanungan

Ano po ang mga katangian ni Romeo?

Sagot verified answer sagot

Si Romeo ay ang pangunahing tauhang lalaki sa isang dula na isinulat ni William Shakespeare. Ang pamagat nito ay Romeo at Juliet.

Inilarawan ni Shakespeare si Romeo bilang isang makisig, may itsura, at matipunong lalaki kaya naman maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya.

Ang kanyang karakter sa dula bilang isang binatang nais umibig ay nagpapakita rin ng katangian na si Romeo ay mapusok ang damdamin, sensitibo, at makabagbag-puso lalo na sa kanyang minamahal.

Siya ay may angking talino rin. Mapagmahal siya at tapat ang loob niya sa kanyang iniibig na si Juliet. Si Romeo ay isa sa mga kinakahangaang tunay dahil sa kanyang mga katangian.