Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag unlad ng kabihasnang Rome?

Katanungan

ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag unlad ng kabihasnang rome?

Sagot verified answer sagot

Isa ang heograpiyang kinalalagyan ng Rome kaya naging isa ito sa mga pinakamaunlad at pinakamatagumpay na kabihasnan sa kasaysayan.

Unang-una ay maraming nakapalibot na anyong lupa at tubig rito. Kaya naman naging madali at mabilis ang daloy ng mga kalakal, mapa-produkto man o serbisyo.

Ang Ilog Tiber rin ay dumadaloy sa lupain na sakop ng kabihasnang Rome. Dahil doon ay nagkaroon ng sapat na suplay ng tubig ang lugar, na kanilang nagagamit sa agrikultura at iba pang mga larangan.

Nahirapan rin ang ibang mananakop dahil sa Mediterranean Sea na nakapalibot sa lupain. At protektado naman ng mga bulubundukin ang lugar sa kahit anong sakuna o digmaan.