Katanungan
Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa isang lugar?
Sagot 
Ang klima ay mahalagang papel na ginagampanan sa likas na yaman ng isang lugar kaya naman masasabing magkaugnay sila.
Una, ang klima ang nagtatakda ng dami o uri ng mga halaman na tutubo sa isang lugar. Ang halaman at mga hayop ng isang lugar ay maituturing na likas yaman.
Isa pang dahilan, ang klima rin ang nagtatakda ng mga yamang mineral na makukuha sa lupa. Kung anong panahon, kung mainit man o malamig, ay ang siyang nagdudulot sa isang lugar na lumikha ng mga yaman o mineral. Ang klima ay mahalagang salik ng pagbuo ng mga natural na yaman ng mundo.