Ano ang kaugnayan ng pagpapahalaga ng tao sa kanyang pagpili ipaliwanag?

Katanungan Sagot

7

Katanungan

ano ang kaugnayan ng pagpapahalaga ng tao sa kanyang pagpili ipaliwanag?

Sagot verified answer sagot

Ang pagpili ng tao ay nakabase sa kanyang pagpapahalaga kung kaya naman ito ay magka-ugnay sapagkat kung wala ang pagpapahalaga ng tao siya ay hindi makapapili. Ilan sa mga tiyak na halimbawa nito ay ang pagpili ng propesyon ng isang tao.

Sa pagtahak ng indibidwal sa kolehiyo, ang kursong kanyang papasukin ay dapat naaayon sa kanyang masiyasat na pagpili.

Upang mapili ang tamang kursong ito, nararapat na isipin ng tao ang mga bagay o aspeto na kanyang pinahahalagahan. Halimbawa, ang isang indibidwal na malapit, mapagmahal, at may pagpapahalaga sa mga bata ay pinipiling maging guro.

Ito ay sa kadahilanang ang pagpapahalaga ng tao sa mga bata ang mag-uudyok sa kanya upang magtapos at makatulong sa mga musmos na nangangailangan ng pagkatuto.