Ano ang kaugnayan ng UDHR at Bill Of Rights?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kaugnayan ng UDHR at Bill Of Rights?

Sagot verified answer sagot

Magkatulad na sumasaklaw sa karapatang pantao ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) at ang Bill of Rights. At dahil magkatulad na karapatang pantao ang sinasaklaw nito, mayroong kaugnayan ang dalawa.

Binuo ng United Nations noong 1945 ang UDHR na isang malaki at malinaw na balangkas sa pagpapatupad at pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa karapatang pantao. Tinatawag din itong “International Magna Carta for All Mankind” dahil sa lahat ng bansa ay ginagawa itong batayan.

Kabilang dito ang Bill of Rights ng bansa. Dito ay nakasaad ang karapatan ng bawat indibidwal sa ating bansa anuman ang katayuan, pangkat, kasarian, o trabaho nito sa buhay.