Katanungan
ano ang klaster sa filipino?
Sagot 
Ang klaster o cluster sa Filipino ay tinatawag na kambal katinig. Ang kluster o kambal katinig ay binubuo ng dalawa o higit pang makakatabing consonant o katinig na magkasama sa isang bigkas, kasama ang isang patinig o higit pa.
Ang kambal katinig ay maaaring makita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig ng isang salita. Ang kambal katinig o klaster ay dapat nababasa sa iisang pantig lamang ng isang salita.
Ilan sa mga halimbawa ng mga salitang nagtataglay ng klaster o kambal katinig ay ang sumusunod: gripo, prito, tsaa, plato, braso, blusa, drama, dyip, klase, trumpo, tsinelas, globo, at tseke.